Month: Pebrero 2021

Tumatatag sa Pananalangin

Marami ang nagbago sa buhay ng aking kaibigang si David nang magkaroon ng sakit na Alzheimer’s ang kanyang asawa.

Minsan, sinabi sa akin ni David na nagagalit siya sa Dios. Pero sa tuwing nananalangin daw siya, ipinapakita naman ng Dios ang kanyang pagiging makasarili at mga pagkukulang sa asawa niya. Umiiyak niyang ikinuwento sa akin na sampung taon nang may sakit ang…

Magbigay ng Lakas ng Loob

Lumalakas ang aking loob sa tuwing nagpupunta ako sa gym. Napapalibutan kasi ako sa lugar na iyon ng mga taong nagsusumikap din na lumakas at maging malusog ang kanilang katawan. May karatula din doon na nagpapaalala na huwag tayong manghusga ng kapwa. Sa halip, magbigay tayo ng mga salitang nakakapagpapalakas ng loob sa ating kapwa. Gayundin ang pagpapakita natin ng ating…

Gumawa ng Mabuti

“Estera, may dumating na regalo para sa iyo na galing sa Tiya Helen mo,” sigaw ng aking ina. Dahil hindi naman kami mayaman, maituturing kong pangalawang pasko ang regalong iyon. Naramdaman ko ang pagmamahal, pagmamalasakit at pagpapahalaga sa akin ng Dios sa pamamagitan ni Tiya Helen.

Ganito rin marahil ang naramdaman ng mga biyudang tinulungan ni Tabita o Dorcas. Nagtitiwala kay…

Matulog

Naitala sa Guinness Book of World Records ang ginawa ni Randy Gardner. Hindi siya natulog sa loob ng 11 araw at 25 minuto. Nagawa ito ni Randy sa tulong ng paginom ng softdrinks, paglalaro ng basketball at bowling. Makalipas ang ilang dekada, nagkaroon si Randy ng matinding problema sa pagtulog. Naitala man ang ginawa ni Randy sa hindi niya pagtulog, naging…

Hindi Nakilala

May biglang tumapik sa balikat ko habang nasa pila ako pasakay ng eroplano. Paglingon ko, masaya niya akong binati, “Elisa! Kumusta? Ako ito, si Joan! Naaalala mo?” Napaisip ako bigla. Inaalala ko kung sino siya. Dati bang kapitbahay o dating katrabaho? Hindi ko talaga siya makilala.

Nahalata niya na hindi ko siya maalala. Kaya naman, sinabi niya, “Nagkakilala tayo noong high…